That scene from Hugo.
(Source: nickthejam)
Two weeks ago. Wedding expo sa MOA. Then pagpasok ko dun, “kailan po ang kasal?” And I was like, “Hmmm… wala pa po.” Naisip ko tuloy, mga ikinakasal lang ba talaga ang pumupunta sa wedding expo? Hindi ba pwedeng tiningnan ko lang kung ano meron sa loob? Weird ba ako na pumunta ako dun?
So… Kasama ko si Franz. Muntik pa kaming hindi magkita dahil nagloko ang BB services ng smart. Kinailangan ko pang bumili ng Globe SIM at mag-register sa BB service nila para ma-BBM si Franz. Lesson learned: Kunin ang cellphone number. ‘wag umasa sa BBM lang.
So ayun… Nag-feeling model sa isang photobooth. Sinubukan na namin lahat ng free services dun sa expo: free trial make-up (si Franz lang ang nagpa-make-up), free picture, free 7-second-to-fame na parang stop motion na pictures na ewan, free taste ng cake! Hahaha! Anyway, ang ganda lang ng kasama ko tapos ako, wala lang. Hahaha! Nag-enjoy naman ako sa mga nakita ko. Lahat ng nakuha kong brochures at magazine ay ibinigay ko kina Suzie at Albert bilang malapit na silang ikasal. =))
Tried talking with SimSimi. Found out it has school spirit. :)) #UnibersidadngPilipinas
from: N.P.
Experience the world of broadcasting!
Patintero
Minsan, sa gitna ng magulong paligid at mabilis na pag-usad ng oras, kailangan nating tumigil muna. Wala lang, ‘yung tipong pause muna at alisin lahat ng inhibitions sa buhay.
Tumambay lang ako siguro ng mga isang oras sa terrace ng bahay ng lolo ko, kung saan ako nagka-isip. Biglang nag-flash white at nag-rewind yung panahon. Naalala ko yung kalsadang hindi pa aspaltado noon —- mabato at maputik kapag umuulan. Tapos nung nasementuhan na, nauso ang patintero sa amin. ‘yung tipong pagkagaling sa school at pagkabihis ng uniporme eh patintero agad kasama ang mga kalaro… patintero kahit umabot sa tatlo o apat na row yung patintero tapos isa lang ang patotot. Parusa ‘di ba? Pero masaya… patintero hanggang sa hindi mo namamalayang pinalo ka na ng sinturon sa pwet kasi pinapauwi ka na pero ikaw, enjoy pa sa paglalaro at hindi mo naririnig na sinisigaw na ng lolo mo yung buong pangalan mo sa galit.
‘yung patintero, unti-unting naglaho. Nawala na rin kasi yung mga kalaro ko. Ako, lumipat sa Baguio para mag-college. ‘yung iba, nagtrabaho sa Maynila. ‘yung iba, naging abala sa pag-aaral.
Nawala ‘yung patintero, nauso ang Friendster… sumikat ang Facebook. Lalo akong naging busy nung makapagtapos at makahanap ng trabaho. Ganun din yung iba kong kalaro noon. Kaming mga laman ng kalsada noon, mas pinipili na lang na nasa loob lang ng bahay kapag walang ginagawa.
Tumingin ulit ako sa paligid… Mas maayos na yung semento ng kalsada, yung kahoy na poste ngayon semento na… Yung isa kong kababata nasa piling na ni God.
Hinahanap ko sila. Kaso may sarili na silang patinterong nilalaro… Iba-iba na kami ng home base na babalikan.
I’ll be forever grateful of your love, Lord.
:’(
(Source: nickthejam)